Friday, July 28, 2017

5 Alintuntunin upang Protektado ang inyong Balikbayan Box at Ma-avail ang Duty and Tax Free Privilege sa Customs

Sa mga OFWs.. Ang Bureau of Customs ay nagbigay ng limang (5) alituntunin na dapat sundin at tandaan upang mas protektado at safe ang inyong padalang Balikbayan Box para sa inyong mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas.. at kung gusto nyong ma-avail ang duty and tax free privilege.




Duty and Tax Free Balikbayan box para sa qualified Filipinos abroad.


1. Humingi ng infomation sheet sa inyong Consolidator o i-download ang Balikbayan Information Sheet website ng Bureau of Customs.

2. Ilista ang bilang at approximate na halaga ng items na ilalagay sa inyong Balikbayan Box.

3. Idikit sa loob ng Balikbayan Box ang photocopy ng inyong passport at ang Information Sheet na inyong sinulatan matapos fill-up-an ng inyong consolidator.

4. Kailangan lamang ang resibo kung ang isang item ay mahigit sa PhP10,000,00.

5. Tandaan, personal at household effects lamang ang pwedeng ilagay sa Balikbayan Box / Boxes.


Panoorin ang video mula sa BOC..

Saturday, July 22, 2017

Pahayag Tungkol sa Isyu ng Balikbayan Box

Pahayag tungol sa isyu ng Balikbayan Box, ayon kay Commissioner Nicanor Faeldon ng BOC.

STATEMENT ON THE BALIKBAYAN BOX ISSUES:

Good morning po mga kababayan lalo na sa ating mga OFW, May balikbayan box program po tayo na TAX EXEMPTION para sa mga Pilipino na nais magpadala ng balikbayan box para sa kanilang pamilya. Hindi po ito mandatory. Para lang po ito sa mga nais mag avail ng BALIKBAYAN BOX TAX EXEMPTION. Pero yun gustong manatiling magbabayad ng buwis ay okay lang po yun kasi nakakatulong po kayo sa ating bayan sa pamamagitan ng inyong binabayad na buwis.

June 2016 pa po naisabatas ng Kongreso ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at December 2016 pa po nailabas ang guidelines regarding balikbayan boxes. Naka apat na po kaming extension sa pagpapatupad nito.

Just to clarify po ang pagffill up po ng information sheet at pagpprovide ng resibo, para lang po yun sa mga Pilipino na magpapadala ng balikbayan box sa kanilang pamilya na nais mag avail ng tax exemption under Sec 800 (g) ng CMTA. Mas makakatipid po kayo kung mag aavail po kayo ng tax exemption na ito kasi po under the balikbayan box program, tinanggal po ang buwis na babayaran nyo.

Ang balikbayan box program po ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga OFWs na magpadala ng P150,000 worth of household and personal effects sa loob ng isang taon na walang bayad na buwis.




Ngayon po, ang information sheet ay kailangan fill up pan. Ito po ay parang packing list ngunit mas comprehensibo upang makasiguro kayo na tama ang matatanggap ng inyong pinaldalhan. Ngunit di po kailangan ang passport kung di po kayo mag avail ng tax and duty free exemption.

Doon naman po sa mga nais mag avail, nakasaad po sa batas na kung ikaw ay Pilipino at nais mong magpadala sa iyong pamilya o kamag-anak, tax free po ito hanggang P150,000 sa loob ng isang taon.

Ang paglilista po ng items nyo ay para po sa proteksyon ninyo. Ito po ay para masiguro na ang ipinadala nyo ay yun din ang matatanggap sa Pilipinas.

Hindi po kailangan ng resibo pag used items, groceries, regalo, at sa mga bagay na mas mura Sa P10,000.00. Ang inyong kailangan ilagay ay tansya or approximate amount lamang.

Halimbawa, ang t-shirt na una'y nabili ng P500.00 at gamit na ay pwedeng ideclara ng P100.00 pesos.

Kailangan lang po ng resibo pag brand new at nagkakahalaga ng higit Sa P10,000.00 ang isang bagay.

Ito po at pribileyiho at isang regalo ng gobyerno sa ating mga kababayan. Kaya po tayo'y nananawagan at umaapela sa likas na kabutihan ng ating mga kakababayan na wag po itong abusuhin. Para sa TUNAY NA PAGBABAGO.

Maraming salamat po.

Thursday, July 6, 2017

May Reklamo ka ba? Isulat ang inyong mga hinaing sa OFW Complaint Form (Beta)

Sawang-sawa ka na ba sa karereklamo, pero ni hindi  man lang pinakinggan ang inyong hinaing? Then, ito na ang tamang pagkakataon upang madinig at maaksyonan ang inyong mga reklamo.


Ang form na ito ay hindi official government form. Bagkus ay para maging madali at mapabilis ang proseso ng inyong mga reklamo. Hindi mai-proseso ang inyong reklamo kung may kulang ang inyong mga sagot sa mga katanungan, at kung walang maisagot, pakilagay nalang ng "NA".


This is not an official government form. This is just meant to make it easier for me to process your complaints. I WILL NOT PROCESS INCOMPLETE RESPONSES SO IF YOU DON'T HAVE A SUITABLE ANSWER FOR A GIVEN FIELD, WRITE "NA".

Maaring paki-click ang link na ito --> OFW Complaint Form

o kaya pakisundan ang nasabing dokumento sa ibaba.

Advisory for Saudi Recruitment Agencies Regarding the Accommodation of Wards at the Bahay Kalinga

Embassy of the Republic of the Philippines - Riyadh, KSA Philippine Overseas Labor Office (POLO) MEMORANDUM To: Saudi Recruit...