Saturday, July 22, 2017

Pahayag Tungkol sa Isyu ng Balikbayan Box

Pahayag tungol sa isyu ng Balikbayan Box, ayon kay Commissioner Nicanor Faeldon ng BOC.

STATEMENT ON THE BALIKBAYAN BOX ISSUES:

Good morning po mga kababayan lalo na sa ating mga OFW, May balikbayan box program po tayo na TAX EXEMPTION para sa mga Pilipino na nais magpadala ng balikbayan box para sa kanilang pamilya. Hindi po ito mandatory. Para lang po ito sa mga nais mag avail ng BALIKBAYAN BOX TAX EXEMPTION. Pero yun gustong manatiling magbabayad ng buwis ay okay lang po yun kasi nakakatulong po kayo sa ating bayan sa pamamagitan ng inyong binabayad na buwis.

June 2016 pa po naisabatas ng Kongreso ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at December 2016 pa po nailabas ang guidelines regarding balikbayan boxes. Naka apat na po kaming extension sa pagpapatupad nito.

Just to clarify po ang pagffill up po ng information sheet at pagpprovide ng resibo, para lang po yun sa mga Pilipino na magpapadala ng balikbayan box sa kanilang pamilya na nais mag avail ng tax exemption under Sec 800 (g) ng CMTA. Mas makakatipid po kayo kung mag aavail po kayo ng tax exemption na ito kasi po under the balikbayan box program, tinanggal po ang buwis na babayaran nyo.

Ang balikbayan box program po ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga OFWs na magpadala ng P150,000 worth of household and personal effects sa loob ng isang taon na walang bayad na buwis.




Ngayon po, ang information sheet ay kailangan fill up pan. Ito po ay parang packing list ngunit mas comprehensibo upang makasiguro kayo na tama ang matatanggap ng inyong pinaldalhan. Ngunit di po kailangan ang passport kung di po kayo mag avail ng tax and duty free exemption.

Doon naman po sa mga nais mag avail, nakasaad po sa batas na kung ikaw ay Pilipino at nais mong magpadala sa iyong pamilya o kamag-anak, tax free po ito hanggang P150,000 sa loob ng isang taon.

Ang paglilista po ng items nyo ay para po sa proteksyon ninyo. Ito po ay para masiguro na ang ipinadala nyo ay yun din ang matatanggap sa Pilipinas.

Hindi po kailangan ng resibo pag used items, groceries, regalo, at sa mga bagay na mas mura Sa P10,000.00. Ang inyong kailangan ilagay ay tansya or approximate amount lamang.

Halimbawa, ang t-shirt na una'y nabili ng P500.00 at gamit na ay pwedeng ideclara ng P100.00 pesos.

Kailangan lang po ng resibo pag brand new at nagkakahalaga ng higit Sa P10,000.00 ang isang bagay.

Ito po at pribileyiho at isang regalo ng gobyerno sa ating mga kababayan. Kaya po tayo'y nananawagan at umaapela sa likas na kabutihan ng ating mga kakababayan na wag po itong abusuhin. Para sa TUNAY NA PAGBABAGO.

Maraming salamat po.

2 comments:

  1. Thanks for letting us know about sending balikbayan box Dubai to PH. This is very helpful.

    ReplyDelete
  2. I want to use this medium to express gratitude to Direct Access Online service for fulfilling his promise by granting me a loan, i was stuck in a financial situation and needed to refinance and pay my bills as well as start up a Business. I tried seeking for loans from various loan firms both private and corporate organisations but never succeeded and most banks declined my credit request. "if you must contact any firm with reference to securing a loan online with low interest rate of 3% and better repayment plans/schedule. You can contact them via email on { directaccesservice@gmail.com } or whatsapp @ +15754148400

    ReplyDelete

Advisory for Saudi Recruitment Agencies Regarding the Accommodation of Wards at the Bahay Kalinga

Embassy of the Republic of the Philippines - Riyadh, KSA Philippine Overseas Labor Office (POLO) MEMORANDUM To: Saudi Recruit...