Sa mga OFWs.. Ang Bureau of Customs ay nagbigay ng limang (5) alituntunin na dapat sundin at tandaan upang mas protektado at safe ang inyong padalang Balikbayan Box para sa inyong mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas.. at kung gusto nyong ma-avail ang duty and tax free privilege.
Duty and Tax Free Balikbayan box para sa qualified Filipinos abroad.
1. Humingi ng infomation sheet sa inyong Consolidator o i-download ang Balikbayan Information Sheet website ng Bureau of Customs.
2. Ilista ang bilang at approximate na halaga ng items na ilalagay sa inyong Balikbayan Box.
3. Idikit sa loob ng Balikbayan Box ang photocopy ng inyong passport at ang Information Sheet na inyong sinulatan matapos fill-up-an ng inyong consolidator.
4. Kailangan lamang ang resibo kung ang isang item ay mahigit sa PhP10,000,00.
5. Tandaan, personal at household effects lamang ang pwedeng ilagay sa Balikbayan Box / Boxes.
Panoorin ang video mula sa BOC..
Thanks for these guidelines. Helpful for us. Should I always check balikbayan box rates from time to time. Does it help me?
ReplyDelete